1994 - BEYOND!

Balik ESWELA na?

October 11, 2008

Kung iisipin mo nga naman, masarap kumita ng sariling pera lalo na kung pinaghirapan mo talaga. Minsan naisip ko kung itutuloy ko pa ba talaga ang pag-aaral ko o manatili nalang akong ganito na walang natapos. Aminado ako, may kalakihan din ang sinasahod ko, sapat na rin (minsan sobra pa nga) para mabuhay ng magisa lang at sustentuhan ang pang araw araw na pangangailangan. Pero mga kapatid, may kulang eh. Madalas sumagi sa isipan ko na, “IBA PA RIN TALAGA ANG MAY NATAPOS AT MAY DIPLOMA”. Although may mga naririnig ako na, “you don’t need a degree to get rich.” Ang akin lang naman is, hindi naman ako magaaral para yumaman lang. Magaaral uli ako para din may maipagmalaki ako sa mga magiging anak ko at sa magiging asawa ko. Tumatanda na tayo, at hindi mo mapapansin na baka bukas lang ay i-plano nyo na kung saan gagawin ang reception ng kasal nyo. 

Hindi ko alam kung dapat ko na ba simulan mag-aral sa susunod na school year. Hindi ko alam kung kaya ko bang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Hindi ko alam kung tatagal ba ako sa mga binabalak ko. Hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng sweldo ko sustentuhan ang pag-aaral ko at tuition ng kapatid ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang gawin, kasi nag-iisa lang ako. Wala akong karamay sa araw araw na problemang dumarating. Oo! Andyan ang mga kaibigan. Gaano ba ako ka-sigurado na hindi nila ako iiwan? Gaano ba ako ka-sigurado sa sinasabi nilang “Pag may problema ka andito lang ako”? Walang katiyakan ang lahat. Mahal ka nya ngayon, pero baka bukas baka hindi na.

Nai-inggit ako sa mga kabatch ko kasi, halos lahat sila gragraduate na next year. Aakyat na uli sila sa entablado at muling magpapakuha ng litrato kasama ang mga mahal nila sa buhay hawak ang kapirasong papel na bumuo sa kanila sa loob ng apat na taon. Samantalang ako, nakikipag-usap sa mga walang kwentang amerikano na ang alam lang ay laitin ang mga pilipino, makipagsabayan sa mga taong bobo sa kompyuter.  Ang hirap ng may dalahin na ganito. Kaya swerte ang mga taong may opurtunidad na magaral at makatapos ngayon.  Wag nyo sayangin, dahil hindi nyo alam kung gaano karaming bata ang gustong magaral ngunit hindi sapat ang pera.

Buti na lang, kahit paano andyan ang “best batch” at ang angel ko siyempre para damayan ako sa mga problemang dumarating. Salamat dahil isa kayo sa rason kung bakit masaya pa rin ako sa kabila ng mga paghihirap na dinaranas ko. 

Masarap magtrabaho, kasi mabibili mo halos lahat ng gusto mo. Masarap magtrabaho kasi alam mong may kapalit ang mga paghihirap mo. Masarap magtrabaho kung wala kang iniisip na “sana may diploma na ako sa susunod na taon” 

Sa tingin nyo, balik eskwela na? =p

 

By: Jul

 

 

Posted by bestbatch at 9:34 pm | permalink

Previous Comments

jul, balik eskuwela na talaga! yehey am so proud of you (parang ednas school lang eh!hahah)

Posted by mau at October 16, 2008, 11:32 am

par pagipunan mo kung plano mo talaga bumalik para wala masyado problema =)

eff!ganda ng entry mo!swear!gandang ipublish =) agaya bulatis!

Posted by heroine at October 25, 2008, 9:15 pm

Mantitrip si Tisah! Wahahaha!

Posted by bestbatch at October 25, 2008, 9:33 pm

di un trip noh xD

Posted by heroine at October 27, 2008, 9:54 am

Add a comment